Pemberton nai-turnover na sa kostodiya ng BI

Naiturnover na ng Bureau of Corrections (BuCor) sa kostodiya ng Bureau of Immigration (BI) si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Alas 11:50 ng umaga ngayong Biyernes (Sept. 11) sinabi ni BuCor spokesperson Gabriel Chaclaf na naibigay na si Pemberton sa BI custody.

Ang mga tauhan ng BuCor na naka-assign sa pagbabantay kay Pemberton sa Jusmag Facility sa Camp Aguinaldo ay nai-pull out na din.

Mga tauhan na ng BI ang magbabantay kau Pemberton hanggang sa matapos ang deportation process sa kaniya.

Una nang sinabi ng DOJ na kinukumpleto na lamang ang mga dokumento ni Pemberton para sa kaniyang deportation.

 

 

Read more...