Ayon kay Gatchalian ngayon may pandemiya mas expose sa stress, anxiety at iba pang kondisyon ng pag-iisip ang mga mag-aaral.
Dapat aniya turuan at sanayin ang mga guro sa psycho-social first aid at sa pagsasagawa ng counselling sessions.
Napakahalaga ayon sa senador na marunong kumilala ang mga guro ng mga pag-uugali o ikinikilos ng mga estudyante na naiuugnay sa pagpapakamatay.
Dapat din magkaroon ng peer counseling programs para naman sa mga mag-aaral at maturuan sila kung paano aalalayan o susuportahan ang isa’t isa sa kanilang mga mabigat na saloobin.
Nabanggit din nito ang babala ni Dr. Cornelio Banaag Jr., ang itinuturing na ‘father of child psychiatry’ sa bansa na ang pagbabad sa smartphone o internet ng mga kabataan ay may malaking epekto sa kanilang pag-iisip.
Sa datos ng DepEd, isang estudyante na ang nagpakamatay dahil sa epekto ng COVID-19 crisis.