Malakanyang nagdeklara ng local holidays sa Sultan Kudarat at Davao Del Sur

Nagdeklara ng local holiday ang Malakanyang sa bayan ng Bansalan, Davao Del Sur at sa Tacurong City Sultan Kudarat.

Sa bisa ng proclamation number 1014 idineklara ng palasyo ang special non working holiday sa Tacurong City, Sultan Kudarat sa Sept. 18.

Ito ay bilang paggunita sa 20th Cityhood Anniversary ng lungsod.

Samantala, holiday din sa nasabing petsa sa munisipalidad ng Bansalan.

Ipagdiriwang naman ng Bansalan ang kanilang 68th Founding Anniversary.

 

 

Read more...