Laguna at Batangas uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa ilang lalawigan sa Southern Luzon dahil sa thunderstorm.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 10:21 ng umaga, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Laguna at Batangas.

Ganitong lagay na din ng panahon ang nararanasan sa Catanuan, Quezon na maaring tumagal ng dalawang oras.

Pinapayuhan ang mga apektadong residente na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslides.

 

 

 

Read more...