Bilang ng mga tauhan ng Coast Guard na gumaling sa COVID-19, 1,321 na

Umakyat na sa 1,321 ang bilang ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard na gumaling sa sakit na COVID-19.

Ang naturang bilang ng mga gumaling ay naitala mula Sept. 1 hanggang ngayong araw, Sept. 10.

Ayon sa datos mula sa Coast Guard, mayroon pang 146 na mga tauhan nila na nagpapagaling.

Lahat sila ay maayos ang kondisyon at walang naka-confine sa ospital.

Sa kabuuan ang coast guard ay nakapagtala na ng 1,467 na mga tauhan nilang tinamaan ng sakit.

Ang health condition ng mga PCG frontline personnel ay regular na minomonitor at sumasailalim sila sa regular testing.

Sinusuplayan din sila ng vitamins, PPE sets, at medical supplies.

 

 

 

 

Read more...