Global death toll sa COVID-19 mahigit 913,000 na

Sumampa na sa 913,853 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 196,328.

Sumampa naman na sa mahigit 129,500 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 76,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 69,000.

Umabot naman na sa mahigit 20.3 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 7 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 196,328
Brazil – 129,575
India – 76,304
Mexico – 69,649
UK – 41,608
Italy – 35,587
France – 30,813
Peru – 30,344
Spain – 29,699
Iran – 22,798

 

 

Read more...