Korte sa Guagua, Pampanga pansamantalang isinara; isang staff nagpositibo sa COVID-19

Pansamantalang nagpatupad ng physical closure sa Guagua, Pampanga, RTC Branch 49.

Ito ay makaraang isang staff ng korte ang magpositibo sa COVID-19.

Sa memorandum ni Judge Jesusa Suba-Isip, sarado ang branch ng korte sa loob ng 14 na araw o mula September 11 hanggang 24.

Habang sarado ay sasailalim sa disinfection ang pasilidad.

Maari pa rin namang ma-contact ang korte sa pamamagitan ng e-mail, at mobile numbers nito.

 

 

 

Read more...