PNP pabor sa visitation scheme ng mga LGU sa paggunita ng Undas

Pabor ang Philippine National Police sa ginawang pagsasara ng mga lokal na pamahalaan sa mga sementeryo sa panahon ng pagunita ng Undas.

Ayon kay Joint Task Force COVID Shield commander, Lt. Gen. Guillermo Eleazar, base sa kasaysayan talagang napupuno ang mga sementeryo kapag Undas.

Malaking problema aniya kung dadagsa sa mga sementeryo ang mga tao, kaya tamang isara ang mga sementeryo sa nasabing panahon.

Handa naman ang PNP na tumugon kung maglalabas ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ng direktiba tungkol sa visitation schedules sa mga sementeryo.

 

 

Read more...