Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, ngayong umaga itu-turnover si Pemberton sa kostodiya ng Bureau of Immigration.
Dadalhin muna ito sa JUSMAG facility sa Camp Crame at immigration officers na ang magbabantay sa kaniya doon.
Sinabi ni Guevarra na hinihintay pa ang ilang requirements para sa deportation kay Pemberton.
Kabilang dito ang NBI clearance, kaniyang travel documents at flight itinerary niya mula sa US Embassy.
Sa sandaling makumpleto na ang mga dokumento, agad ding dadalhin sa paliparan si Pemberton.
MOST READ
LATEST STORIES