Central Visayas nakapagtala ng 101 bagong kaso ng COVID-19

Sumampa na sa 19,593 ang buong kaso ng COVID-19 na naitala sa Central Visayas.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 101 na bagong kaso ng sakit kahapon (Sept. 10).

Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, sa 19,593 na total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon, 1,213 na lang ang aktibong kaso.

Umabot naman na sa 1,213 ang bilang ng nasawi.

Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 112 dahilan para umabot na sa 16,780 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,768 cases.

387 na lang ang aktibong kaso sa Cebu City.

 

Read more...