#CancelNetflix trending sa Twitter dahil sa kontrobersyal na pelikulang “Cuties”

Trending sa Twitter ang #CancelNetflix dahil sa kontrobersyal na pelikulang “Cuties”.

Ang pelikula ay pinagbibidahan ng grupo ng mga kabataang babae na edad 11 anyos na mula sa “twerking dance group”.

Isa sa kanila ay mula sa conservative na Senegalese family.

Una nang humingi ng paumanhin ang Netflix nang mabatikos ang inilabas na poster para sa nasabing French film na nagpapakita sa mga bida na na naka-pose ng sexual manner.

Binabatikos naman ngayon ang dance scene sa nasabing pelikula dahil sa provocative dance moves ng mga bidang bata.

 

 

 

 

 

 

Read more...