Public at private cemeteries sa Valenzuela City sarado sa Undas; pagsasagawa ng trick or treat, bawal din

Isasara ang lahat ng public at private cemeteries sa Valenzuela City mula Oct. 30 hanggang Nov. 3.

Layon nitong maiwasan ang pagdagsa ng publiko sa mga sementeryo sa paggunita ng Undas.

Sa abiso ng City Government ng Valenzuela ang mga nais na gunitain ang Undas ay hinihikayat na bumisita sa mga yumaong mahal sa buhay bago o pagkatapos ng nasabing mga petsa.

Ipinagbabawal din ang pagsasagawa ng mga Halloween activity tulad ng “trick or treat” sa lahat ng lugar kabilang na ang mga parke at mall.

 

 

 

Read more...