Mahigit 1,200 na Pinoy nakauwi sa bansa kahapon ayon sa DFA

Umabot sa mahigit 1,200 pang Overseas Filipinos ang nakauwi sa bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 273 na OFs ang dumating sa bansa galing ng United Arab Emirates (UAE).

Mayroon ding 298 na mga Pinoy ang napauwi sa bansa galing Qatar.

Habang 140 na OFs galing ng Los Angeles ang dumating sa Pilipinas lulan ng DFA-endorsed flight PR103.

Mayroon ding mahigit 300 Pinoy ang dumating sa bansa sakay ng flight PR655 galing ng Saudi Arabia.

Habang 200 OFs pa ang nakauwi galing naman ng Bahrain.

Lahat ng umuwing OFWs ay isinailalim sa swab test at dinala sa quarantine facility.

Agad silang pauuwiin sa kanilang pamilya sa sandaling mag-negatibo na sa test.

 

 

Read more...