Bagyo sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA; trough ng LPA magpapaulan sa Luzon at Visayas

Isang bagyo ang binabantayan ng bansa sa labas ng bansa.

Ayon bagyo ay huling namataan sa layong 2,010 kilometers east ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 44 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Papalayo sa bansa ang bagyo at hindi ito papasok sa bansa dahil ang direksyon nito ay northwest sa bilis na 15 kilometers bawat oras.

Samantala ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA ay huling namataan sa 135 kilometers east ng VIrac, Catanduanes.

Maliit ang tsansa na maging ganap na bagyo ang LPA.

Pero ang trough nito ay maghahatid ng kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region, Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.

Magiging maaliwalas naman ang lagay ng panahon sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa at magkakaroon lamang ng pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

 

 

 

Read more...