Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (September 10, 3:00 PM) nakapagtala ng 794 na bagong kaso kaya pumalo na sa 27,372 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 6,958
Laguna – 9,192
Batangas – 4,461
Rizal – 5,416
Quezon – 1,345
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 14,190.
Nasa 12,503 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 571na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 3,092
Laguna – 5,107
Batangas – 2,092
Rizal – 1,546
Quezon – 666
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 12 kaya umabot na sa 679 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 160
Laguna – 188
Batangas – 101
Rizal – 189
Quezon – 41
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay