Kiblawan, Davao del Sur niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Davao del Sur,

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 8 kilometers southwest ng bayan ng Kiblawan, alas-2:37 madaling araw ng Biyernes (September 11).

May lalim na 12 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala naman ang instrumental intensity 1 sa Tupi, South Cotabato.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

 

 

 

Read more...