153 pang residente sa Eastern Visayas, gumaling sa COVID-19

Nadagdagan ng 68 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,048 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 8:00, Huwebes ng gabi (September 10), 3,634 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 790 o 21.73 porsyento ang aktibong kaso.

153 namang residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 2,811 o 77.35 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Read more...