Aniya, layon ng BAYANIHANAPBUHAY na magkaroon ng plataporma para mapadali ang paghahanap ng trabaho.
Ibinahagi nito na sa mga nakalipas na araw ay nakipag-usap sila sa ilang kumpanya para malaman ang kanilang ‘job openings’ at ang mga ito ay kanilang ipo-post sa BAYANIHANAPBUHAY sa tulong ng Sikap.PH.
Batid ni Robredo na maraming Filipino ang nawalan ng hanapbuhay at kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa kasalukuyan, mayroong 2,796 job postings sa Sikap.PH dahil sa pagtugon ng ilang kumpanya.
Hinihikayat din nito ang ibang kumpanya na interesado maging bahagi ng programa na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.