COVID-19 cases sa Western Visayas, nadagdagan ng 253

Nagpositibo ang 253 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang September 10, umakyat na sa 6,884 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

3,194 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 69.69 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

65 naman ang gumaling pa kaya 3,589 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umabot naman sa 101 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...