Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (September 10), 4,868 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
735 pulis ang itinuturing na probable cases habang 3,146 ang suspected cases.
37 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 3,396 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 16 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES