Yan ang binigyang diin ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma kasunod ng pahayag ni vice presidential candidate at Senator Francis Escudero na dapat mag-focus na lamang si Pnoy sa patas at malinis na halalan at hindi sa partisanship.
Ayon kay Coloma, ikinakampanya ni Presidente Aquino ang mga kandidato ng Daang Matuwid Coalition dahil sa paniniwalang ‘duty’ niya sa sambayanang Pilipino.
Ito’y upang matiyak din aniya na maipagpapatuloy ang good governance na mahalaga sa inclusive growth ng bansa lalo na para sa bagong henerasyon ng mga Pilipino.
Giit pa ni Coloma, kaisa ang lahat si Pangulong Aquino at ang buong administrasyon nito sa pagnanais na magkaroon ng maayos, malinis at mapayapang eleksyon sa May 09, 2016.
Sa mga nakalipas na sorties ng Daang Matuwid Coalition, personal na ikinakampanya ni Pnoy ang standard bearer ng LP na sina Mar Roxas at Leni Robredo, maging ang mga kandidato sa pagka-Senador.