Security guard binaril habang nakikipag-inuman sa Tondo

crime-scene-e1400865926320Patay ang isang security guard makaraang barilin habang siya’y nakikipag-inuman sa mga kaibigan sa Tondo, Maynila kaninang madaling araw.

Kinilala ng Manila Police District ang biktima na si Marky Lambino, 27 years old at residente ng Barangay 85, Tondo.

Batay sa mga imbestigador, naganap ang pamamaril dakong ala-una ng madaling araw, malapit sa bahay ng biktima.

Base sa mga tanod, isa lamang ang gunman na umatake kay Lambino, habang ayon sa misis nito, ang pagpaslang sa kanyang asawa ay posibleng may kinalaman sa alitan nito sa isang tao dahil sa isyu ng motorsiklo.

Patuloy na sinisiyasat ng mga otoridad ang krimen.

 

Read more...