Publiko binalaan ukol sa webpage na gumagamit ng pekeng larawan ng driver’s license ni Sec. Tugade

Photo credit: DOTr Asec. Goddes Hope Libiran

Binalaan ng Department of Transportation (DOTr) ang publiko may kaugnayan sa malisyosong webpage na gumagamit ng larawan ng fake na driver’s license ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

Ayon sa ahensya, “The Department of Transportation (DOTr) is WARNING the public NOT TO ACCESS AND ENGAGE a malicious web page that uses a photo of a fake driver’s license of Transport Secretary Arthur Tugade as clickbait.”

Sa anunsyo ng DOTr, sinabi nito na clickbait o patibo ang nasabing webpage.

Kapag binuksan ng simunan ang link ay hihingan ng pangalan, phone numbers, email address at passwords.

Sabi ng DOTr, “By clicking on the said web page, users will be taken to a “Bitcoin Code” landing page where they will then be asked to give their names, phone numbers, e-mail addresses and passwords.”

Hindi rin anila konektado si Tugade sa nasabing webpage at hindi rin niya ito ini-endorso.

“The DOTr and Secretary Tugade are in no way connected to the said web pages and are not endorsing them. The DOTr warns the public that any personal information that may be collected in the said malicious web page can be used for criminal purposes,” pahayag ng DOTr.

Dahil dito, hinikayat ng ahensya ang publiko na maging maingat sa paggamit ng internet lalo na sa panahon ng pandemya dahil mayroong mga kriminal na sinasamantala ang pagkakaon upang manlamang sa kapwa.

Payo ng ahensya, “The DOTr is encouraging the public to be extra careful in navigating the internet specially during this period of the pandemic when criminals are taking advantage of the stressful situation.”

Read more...