BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 248,947

Halos 4,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (September 10), umabot na sa 248,947 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 58,823 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 3,821 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

88.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.8 porsyento ang asymptomatic; 1.2 porsyento ang severe habang 1.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nakuha ang mga datos mula sa 105 out of 117 licensed laboratories.

Nasa 80 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 4,066 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 563 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 186,058 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...