Sa budget hearing ng Kamara, sinabi ni Court Administrator Atty. Jose Midas Marquez, sa mga early stages ng COVID-19 pandemic ay kinakailangan nilang isara ang mga korte at wala pa din silang facilities para sa online hearing ng mga panahon na iyon.
Sa kabila nito ay tiniyak naman ng Marquez na tuluy-tuloy ang training ng kanilang judges at clerks of court para sa paggamit ng e-courts platform.
Partikular namang tututukan ang mga korte na may malalaking case loads tulad ng NCR at key cities sa Visayas at Mindanao.
Mula sa 41 porsyentong case disposition ng Korte Suprema noong 2019, bumaba ito sa 39 porsyento sa 2020 at 34 porsyento na lamang sa 2021.
Habang sa case dispositions sa metropolitan trial courts, mula 70 porysento noong 2019 ay bumaba ito ng 62 porsyento para sa 2021.
Ikinukunsidera din ng Judiciary ang epekto ng COVID-19 sa pagdinig ng mga kaso kaya nila ibinaba ang target case disposition para sa 2021.