Mga sementeryo sa Mandaluyong, isasara mula October 31 hanggang November 3

Pansamantalang isasara ang mga sementeryo sa Mandaluyong City mula October 31 hanggang November 3.

Nakasaad sa pinirmahang Executive Order no. 32, series of 2020 ni Mayor Carmelita Abalos na layon nitong maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Inaasahan kasi na maraming magtutungo sa mga sementeryo upang bisitahin ang mahal sa buhay na nahimlay sa Araw ng mga Patay.

Sakop ng pagsasara ang lahat ng pribado at pampublikong sementeryo, memorial parks at kolumbaryo.

Ipinag-utos naman sa Mandaluyong PNP katuwang ang mga barangay at City Civilian Affairs and Security Department na tiyaking masusunod ito.

“Violation of this Order by any natural or juridical person shall lead to the revocation of its Mayor’s and Business Permits,” nakasaad pa sa EO.

Read more...