NCR at ilang probinsya sa Luzon, makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:18 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Laguna, Batangas at Rizal.

Kaparehong lagay ng panahon din ang iiral sa Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Subic, Castillejos, San Marcelino at Olongapo sa Zambales.

Asahang uulanin din ang bahagi ng General Emilio Aguinaldo at Magallanes sa Cavite; Panukulan, Polilio, San Francisco at San Narciso sa Quezon; Mariveles, Bataan.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...