Sinabi ng kagawaran na ito ay para sa isasagawang disinfection at ipatutupad na iba pang preventive measures laban sa COVID-19.
Inabisuhan namam ang mga aplikante na may confirmed appointments sa naturang petsa na magpa-appoint muli sa pamamagitan ng tacloban.rco@dfa.gov.ph kasama ang mga sumusunod na impormasyon:
– Name
– Date of birth
– Original appointment date and time
– Preferred date and time of new appointment
Ang bagong appointment schedule ay maaaring itapat mula September 14 hanggang October 9, Lunes hanggang Biyernes tuwing regular operation hours (9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon).
Para naman sa mga aplikante na may emergency o kailangan ng urgent consular services, maaaring makipag-ugnayan sa CO Tacloban sa pamamagitan ng email: tacloban.rco@dfa.gov.ph o mag-text at call sa 0951-833-5246 tuwing working hours lamang.
Magbabalik naman sa normal na operasyon ang CO Tacloban sa Lunes, September 14.