Global death toll sa COVID-19 mahigit 907,000 na

Sumampa na sa 907,919 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 195,239.

Sumampa naman na sa mahigit 128,600 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 75,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 69,000.

Umabot naman na sa mahigit 20 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 7 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 195,239
Brazil – 128,653
India – 75,091
Mexico – 69,095
UK – 41,594
Italy – 35,577
France – 30,794
Peru – 30,236
Spain – 29,628
Iran – 22,669

 

 

 

Read more...