Mayor sa isang bayan sa Zamboanga del Sur sinuspinde, vice mayor inaresto

Ang 1st councilor sa bayan ng sa Zamboanga del Sur ang umaaktong alkalde ngayon sa naturang bayan.

Ito ay makaraang patawan ng suspensyon ni Zamboanga Del Sur Governor Victor Yu sa loob ng 60 araw si Mayor Ruel Molina dahil sa kinakaharap na kasong administratibo.

Ang reklamo laban sa mayor ay isinampa noong buwan ng Hulyo.

Samantala, si Vice Mayor Allan Damas naman ng natura ding bayan ay inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group.

Dinakip si Damas sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong graft na inilabas ng korte noong July 10, 2020.

Si Damas ay napatunayang guilty sa kasong nepotism.

Dahil sa dalawang insidente si top councilor Raniel Dormitorio ang officer-in-charge sa bayan.

 

 

Read more...