Siyam na volcanic earthquake naitala sa Bulkang Taal sa magdamag

Nakapagtala ng 9 na volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.

Batay sa Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs na nakalap ng Radyo INQUIRER, ang mga pagyanig ay bunsod ng pagkakaroon ng proseso ng rock-fracturing sa bulkan.

May naitala ring mahinang steaming activity sa bulkan na ang taas ay umabot sa 5 meters.

Nakataas pa rin ang Alert Level 1 (Abnormal) sa Mt. Taal at inabisuhan ang publiko na maaring magkaroon ng sudden steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, at minor ashfall.

Bawal pa rin ang pumasok sa Taal Volcano Island at sa Permanent Danger Zone ng bulkan partikular sa bisinidad ng main crater at sa Daang Kastila fissure.

 

 

 

Read more...