Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Miyerkules (Sept. 9) ay 27,998,259 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 269,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 34,000 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 95,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapatala ng dagdag na 34,200 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 6,548,292
India – 4,462,965
Brazil – 4,199,332
Russia – 1,041,007
Peru – 702,776
Colombia – 686,856
Mexico – 642,860
South Africa – 642,431
Spain – 543,379
Argentina – 500,034