Tita Angge, kilalang talent manager, kritikal ang kundisyon

Cornelia Lee o Tita Angge
Cornelia Lee o Tita Angge

Kritikal ngayon ang kundisyon ng talent manager na si Cornelia Lee o mas kilalang bilang Tita Angge.

Ayon sa TV-Movie actress na si Sylvia Sanchez, dead on arrival na si Tita Angge nang isugod sa Cardinal Santos Memorial Medical Center sa San Juan City kagabi (March 05).

Gayunman, na-revive ng mga doktor si Tita Angge at bumalik ang pulso nito.

Bago ito, nakaramdam umano ng matinding chest pain si Tita Angge habang nanunuod ng sine.

Ipinaabot naman ng ilang showbiz personalities sa social media ang kanilang panalangin para sa talent manager.

Sa post ni Angeli Valenciano sa Twitter, sinabi nito na “Tita Angge is very critical. Unstable. We need a miracle. Nothing is impossible with God.”

Sa tweet naman ni Pooh, sinabi nitong “Get well soon Tita Angge.”

Si Lee ay matatandaang naging presidente ng fans club ng mag-asawang Fernando Poe Jr at Susan Roces, at love team nina Edgar Mortiz at Vilma Santos.

At mula sa pagiging isang movie fan, naging radio, TV at film talent siya hanggang sa naging talent mananger at casting director.

 

Read more...