Apat sa limang Pilipino ang iboboto ang isang kandidato sa May elections na magpapatuloy ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, ayon sa latest survey ng Social Weather Stations o SWS.
Sa nationwide at non-commissioned poll ng SWS na isinagawa noong February 5 hanggang 7, lumabas na 80 percent sa 1,200 voters na natanong ang nagsabi na iboboto nila ang kandidato na magpapatuloy ng 4Ps, na flagship poverty alleviation program.
Ang 4Ps, na kilala rin bilang Conditional Cash Transfer o CCT Program, ay layong magkaloob ng social assistance sa pamamagitan ng pagbibigay ng perang ayuda sa para sa pagkalusugan, edukasyon at iba pa ng mga pinaka-mahihirap na Pamilyang Pilipino sa buong bansa.
As of August 2015, ang CCT beneficiaries ay nasa 4.4 milyong pamilya na, at sakop na rito ang 10.2 milyong batang may edad 0 hanggang 18 sa pitumpu’t siyam na probinsya.
Lumabas pa sa SWS survey na tatlo mula sa limang Pilipino ay susuporta sa kandidato na isusulong ang full implementation ng Reproductive Health Law, pagsasabatas ng Freedom of Information Bill at pagpapatuloy ng “Daang Matuwid.”
Samantala, 59 percent sa respondents ang nagsabi na kakatigan nila ang isang kandidato na magre-reimpose ng death penalty para sa heinous crimes.
31 percent naman ang sumagot na susuporta nila ang isang kandidato na magsasabatas ng Bangsamoro Basic Law o BBL; habang 47 percent para sa Presidentiable na magtatanggol sa karapatan ng lesbians, gays, bisexual and transgenders o LGBT; 47 percent, pagsasabatas ng Anti-Political Dynasty Law; 34 percent, enactment ng Divorce law; at 19 percent para sa enactment ng batas na nagpapahintulot ng foreign ownership ng mga lupain sa Pilipinas.