Sarangani, Davao Occidental muling niyanig ng lindol

Muling niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 314 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-5:05 madaling araw ng Huwebes (September 10).

May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala pang naitatalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Nauna ng niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang lugar kaninang alas-2:46 ng madaling araw.

 

 

 

 

Read more...