Private school sa Isabela nagsagawa ng face-to-face classes; 1 estudyante nagpositibo sa COVID-19

Mawalakang contract tracing ang ginagawa ngayon ng City Health Office ng Cauayan City.

Ito ay makaraang isang estudyante na dumalo sa face-to-face classes na isinagawa ng kaniyang paaralan ang magpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Cagayan Public Information Office, noong Sabado lumabas ang resulta ng swab test ni CV969 na edad 21.

Noong nakaraang linggo, dumalo sa face-to-face classes ng kaniyang paaralan ang pasyente, at tinatayang 45 pang katao ang dumalo sa nasabing klase.

33 na sa mga nakasalamuha ni CV969 ang naisailalim na sa swab test at hinihintay na lamang ang resulta.

 

 

 

 

Read more...