Sa huling datos hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (September 9), umakyat na sa kabuuang 4,535 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 318 ang aktibong kaso o katumbas ng 7.0 porsyento.
40 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 4,088 na ang total recoveries o 90.1 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.
Umakyat naman sa 129 ang pumanaw o 2.8 porsyento.
MOST READ
LATEST STORIES