MRT-3 nakapagpatakbo na ng 19 na train sets; 3 buwang no unloading incident, naitala

Ipinagmalaki ng Department of Transportation (DOTr) na 19 na train sets na ang tumatakbo sa riles ng Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3.

Kabilang dito ang 16 na CKD train sets at tatlong Dalian train sets.

Ang tatlong Dalian ay pansamantalang tinanggap ng DOTR noong July 2019 at isinailalim sa kinakailangang commissioning matapos dumaan sa intensive Reliability, Availability, Maintainability and Sustainability (RAMS) Validation Test upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Sa pangunguna ni Transportation Secretary Arthur Tugade, sumailalaim sa modification at adjustment ang Dalian trains para maging operational kung saan walang ginastos ang pamahalaan.

Ang karagdagang Dalian trains sa riles ayon sa DOTr ay malaking tulong para mapababa ang waiting time sa mga istasyon at tumaan ang train capacity ng MRT-3.

“MRT-3 passengers deserve to experience better service. With the efforts of the DOTr, led by Secretary Tugade, and MRT-3, we made an effort to deploy the Dalian trains in addition to the operational CKD trains for the riding public,” sabi ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati.

Samantala, tatlong buwan nang walang unloading incident ang MRT-3.

Inaasahan naman na matatapos sa July 2021 ang overhaul ng light rail vehicles (LRVs), installation ng brand new airconditioning units, rehabilitation ng mga escalators at elevators gayundin ang rail replacement works sa buong riles ng MRT.

Mas maaga naman na matatapos ang pagpapalit ng riles ng MRT-3 na inaasahan sa buwan ng Setyembre na mas maaga sa February 2021 na original na plano.

Read more...