Ayon sa DOLE, mas maraming unemployed na manggagawa sa formal at informal sector ang matutulungan sakaling madagdagan pa ang kanilang pondo para sa susunod na taon.
Nasa P76 bilyon ang orihinal na request ng DOLE sa Department of Budget and Management (DBM), pero tanging P27.010 bilyon lang ang inaprubahan na mas mataas ng P10 bilyon sa kasalukuyang pondo ng kagawaran.
Sinabi ni Asec. Dominique Tutay na maliit na bahagi lamang sa naturang bilang ang natulungan ng DOLE sa mga nakalipas na buwan sa pamamagitan ng ayudang ibinibigay sa ilalim ng CAMP at TUPAD programs.
Pero tinitiyak naman din nito na sa oras na gumulong na ang Bayanihan to Recover as One Act o ang Bayanihan 2 ay mapapahatiran ng tulong ang beneficiaries na hindi naayudahan sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 1.