Karagdagang 52 pulis, tinamaan ng COVID-19

Nadagdagan pa ng 52 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (September 9, 4,837 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

735 pulis ang itinuturing na probable cases habang 3,129 ang suspected cases.

22 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 3,359 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 16 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...