Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang September 9, umakyat na sa 10,151 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 74 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,006 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
49 naman ang bagong gumaling kung kaya 6,382 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, wala namang napaulat na nasawing overseas Filipino.
Dahil dito, 763 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,999 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,168 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 799 naman ang kaso sa Americas at 1,185 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.