Sa pagdinig sa panukalang pondo ng Department of National Defense, sinabi ni VMMC Dr. Jun Chong na bumaba sa P160 milyon ang pondo para sa pagpapaospital at gamot sa mga beterano para sa susunod na taon.
Sa 200,000 beterano sa bansa, lumalabas na makakatanggap lamang ng P2 na daily allotment ang mga beterano para sa kanilang gamot sa puso, diabetes at iba pang maintenance drugs sa ilalim ng nasabing budget.
Nais din ng VMMC na dagdagan ng P425 milyon ang pondo para sa gamutan ng mga beterano lalo pa’t may COVID-19 pandemic ay tinutugunan din nila ang bakuna para sa anti-flu at anti-pneumonia ng veterans.