Palasyo, nakiramay sa pagpanaw ni dating House Speaker Arnulfo Fuentebella

Nagparating ng pakikiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa naulilang pamilya, mga kaibigan at mahal sa buhay ni dating House Speaker Arnulfo “Noli” Fuentebella.

Pumanaw si Fuentebella sa edad na 74, Miyerkules ng umaga (September 9).

Pumanaw si Fuentebella bunsod ng heart failure matapos ang halos dalawang taong makikipaglaban sa kidney disease.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nakapagsilbi nang maayos si Fuentebella sa bansa at probinsya ng Camarines Sur.

“The time and effort he gave to improve the condition of his beloved district will always be remembered by his constituents,” ani Roque.

“As we pay tribute to the life and legacy of the former Speaker, we pray that his family would find strength in this time of mourning,” dagdag pa nito.

Read more...