NCR at ilang probinsya sa Luzon, uulanin pa rin

Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang probinsya sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 12:40 ng tanghali, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Pampanga at Rizal.

Kaparehong lagay ng panahon din ang iiral sa Quezon City at San Juan sa Metro Manila; Pandi, Bulacan; San Pablo, Laguna.

Asahang uulanin din ang bahagi ng Magallanes at Alfonso sa Cavite; Plaridel at Atimonan sa Quezon.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...