Hanggang katapusan ng lamang ng taong 2020 ang mga teroristang Abu Sayyaf Group sa bansa.
Sinabi ito ni AFP Chief of Staff Lt. General Gilbert Gapay sa pagdinig ng Kamara sa budget ng Department of National Defense sa susunod na taon.
Balak naman na tapusin ng AFP ang problema sa mga local terrorist groups pagsapit ng 2022.
Inamin naman ng heneral sa pagtatanong ni Deputy Speaker Mujiv Hataman na walong mga dayuhan ang integrated o kasama sa iba’t ibang paksyon ng ASG habang may 29 na dayuhan pa ang nasa kanilang watchlist.
Sa ngayon aniya ay tuluy-tuloy ang kanilang opensiba at nakasentro ang AFP sa pakikipaglaban sa pwersa ng ASG sa Basilan at Sulu.
Pinalalakas rin aniya nila ang kanilang maritime security dahil kadalasan ay sa backdoor o karagatan dumadaan ang ilan sa mga ito.