137 pang COVID-19 recoveries, naitala sa Eastern Visayas

Nadagdagan ng 64 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,284 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 8:00, Martes ng gabi (September 8), 3,505 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 915 o 26.10 porsyento ang aktibong kaso.

137 namang residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 2,560 o 73.04 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Read more...