229 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Western Visayas

Nagpositibo ang 229 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang September 8, umakyat na sa 6,382 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

3,037 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 69.42 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

217 naman ang gumaling pa kaya 3,251 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umabot naman sa 94 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...