Joseph Scott Pemberton, maayos ang kondisyon – BuCor

PHOTO CREDIT: BUREAU OF CORRECTIONS

Naglabas ang Bureau of Corrections (BuCor) ng latest mugshot ni dating US serviceman Joseph Scott Pemberton.

Paliwanag ni Gabby Chaclag, ang tagapagsalita ng BuCor, walang kinalaman sa isyu ukol sa pagpapalaya kay Pemberton ang pagpapalabas nila ng mga larawan.

Aniya, regular ang kanilang pag-update sa kanilang mga preso at natiyempo na schedule nang pagkuha nila ng bagong litrato ng pumatay kay Filipina transgender Jennifer Laude.

Ngunit, pag-amin ni Chaclag, sa mga bagong litrato ni Pemberton ay umaasa sila na mawawala na ang mga pagdududa sa kondisyon nito sa kasalukuyan.

Simula sa paglilitis sa kanya sa Olongapo City, nakakulong na si Pemberton sa isang custodial facility sa loob ng Camp Aguinaldo at nanatili na ito doon kahit siya ay mahatulan ngunit inilipat lang siya sa kustodiya ng BuCor.

Read more...