Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 4,437

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Lunes, September 7), nadagdagan ng 131 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 4,437.

Sa nasabing bilang 1,320 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nasa 237 kung saan apat ang nadagdag.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 5,994.

Read more...