Ayon kay Mayor Toby Tiangco, maliban sa walang business permit, hindi pa ito pwedeng magbukas at tumatanggap ito ng mga menor de edad para maglaro ng computer games.
“Ayaw po nating magpasara ng negosyo. Pero kung patuloy pong babalewalain at tahasang susuwayin ang ating mga patakaran na para naman sa ating kabutihan, wala po kaming magagawa kundi ipatupad ang nararapat,” saad sa tweet ng alkalde.
Kasabay ng pagsasara, pinagmulta ang mga may-ari ng naturang establisyemento.
Paalala naman ni Tiangco, “nagpapaalala tayo sa mga magulang—disiplinahin at panatilihin po sa bahay ang inyong mga anak… Responsibilidad po ninyo ito. Ang inyong kapabayaan ay maaaring maglagay sa kanila at sa inyong buong pamilya sa kapahamakan.”
Sinabi ng alkalde na sa ngayon, nasa 45 computer shops na ang napasara sa lungsod habang 1,187 minors at adults ang nahuling lumabag sa curfew.